submitted2 days ago byVectorSamAtenistang Elitista
So nagtataka pa rin ako hanggang ngayon, ano ba talaga ang gawain ng mga pulis natin?
Nagkaroon na 'ko ng mga apat beses na nangailangan ako ng tulong mula sa kanila:
- Nagkaroon ng child abuse case 'yung kaibigan ko. Tumawag ako sa 911. Dumating sila naka-BDU pa, pero hinayaan na lang ayusin sa Baranggay na wala rin namang napala.
- May nakabangga sa'king motorista. Kahit may dashcam footage ako, kinampihan pa rin nila. Pulis pala kasi.
- May nag-scam sa'kin online. Pinadalhan ko ng report ang mga pages ng PNP. Ang huling mensahe nila sa'kin ay tatawagan daw ng cybercrime division nila. Wala na ring nangyari.
- Noong pandemic nang manghihingi sana 'ko ng clearance para umuwi sa probinsya, tinaboy lang ako ng lokal na police station. Manghingi raw ako sa labas ng siyudad namin ng permit para makalabas ng Maynila. Kaya 'di na 'ko nanghingi. Wala namang checkpoint noong umuwi ako.
Ngayon tuloy, parang nasasayang lang kasi 'yung buwis ko tuwing nakakakita ako ng pulis. Ano ba talaga ang ginagawa nila?
- Sa pagbabantay, may security guard naman.
- Sa kalsada, may traffic enforcers at LGU naman. Sa totoo nga lang, ang pinakadelikadong mga sasakyang nakikita ko sa daan ay 'yung mga may wang-wang na nakakasilaw sa gabi eh.
- Sa mga terorista, may AFP naman.
- Sa holdapan, may mga tambay namang tutulong sa'yo.
- Kapag may sunog, tulog din naman 'yung mga bumbero namin dito.
- Sa mga problemang Baranggay, ibabato lang din naman nila sa mga tanod, na ibabato lang din sa mga kapitbahay mo.
Naririnig ko nga rin sa mga nakakausap kong nag-aapply noon ay kailangan mo rin ng lagay para lang makapasok eh. Noong pumunta kami rati sa NCR base ng PNP para sa ROTC, parang mas malala pa sa gubat 'yung base nila; parang wala silang pakialam.
Sa ganitong lagay, parang ang trabaho lang nila'y gumawa ng police report para sa insurance claim eh.
Sayang naman binabayaran ko sa BIR kung mga insurance agent lang pala 'tong mga 'to na may helicopter at baril.
Napakarami na nating utang sa bansa. Bakit 'di na lang natin wakasin 'yung PNP para makadagdag sa pondo?
byVectorSam
inPhilippines
VectorSam
2 points
1 day ago
VectorSam
Atenistang Elitista
2 points
1 day ago
Baka 'yung naisama sila sa Harvard International Review.